Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Tagalog Blog

DA, Binabantayan ang Epekto ng Tensyon sa Gitnang Silangan; Pondo para sa mga Magsasaka, Nakahanda Na

Department of Agriculture | Binabantayan ang Epekto ng Tensyon sa Gitnang Silangan; Pondo para sa mga Magsasaka, Nakahanda Na Halagang ₱100-Milyon na fuel subsidy para sa magsasaka at mangingisda nakahanda na ayon sa Department of Agriculture. Sa gitna ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan, kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na masusi nilang pinag-aaralan ang posibleng maging epekto nito sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa, hindi matatawaran ang pagkabahala ng ahensiya hinggil sa kung ano ang maaaring maging "long-term impact" ng kaguluhan. Bagama't malayo ang sentro ng giyera, ang pandaigdigang daloy ng kalakalan at presyo ng langis ay direktang nakakaapekto sa gastos sa produksyon ng mga lokal na magsasaka at mangingisda. Sa ...

Mga dapat tandaan sa wastong pagpili ng inahing manok (Broodhen)

A ng pag-aalaga ng hayop ay marapat mayroong kaakibat na sipag at tiyaga para maging maayos at produktibo ang isang farm. Ang pagpapanatili ng magandang produksyon sa iyong paghahayupan ay hindi lamang dapat nakabatay sa kung ano ang nakasanayang gawin sa loob ng bakuran ng iyong farm. Mas maiging kumuha o mag-adapt din tayo ng  mga kaalamang galing sa ibang farms, professionals, instructors at mga dalubhasa sa paghahayupan. Sa article na ito ibabahagi ko sa inyo ang mga dapat tandaan sa wastong pagpili ng inahing manok na maaring makatulong sa pagpaparami ng iyong produksyon. Ito ay ilan lamang sa mga natutuhan ko sa isang free seminar organized by ATI (Agricultural Training Institute) Bicol titled with "Native Chicken Production". Ika nga "Sharing is Caring". Mas mabuting malaman natin ito ng sa gayon ay maiwasan natin ang massive losses of our production. Alam naman natin na with the good broodhen maaari tayong magkaroon ng maraming produce of chicks with i...

10 dapat isaalang-alang para magkaroon ng magandang ani ang tanim

Ang pagsasaka ay lubos na mahalagang hanapbuhay sa panahon ngayon dahil sila ang daan upang lubos na maibsan ng mga Pilipino ang mataas ng presyo ng bigas, gulay at mga rekado sa palengke. Ang mga sumusunod ay mga dapat nating isaalang-alang upang maging maganda ang ating ani. Ito ay ilan lamang sa mga maaring nakakaapekto sa ani at pagpapaganda ng tanim sa ating sakahan/harden. Para mapaganda ang ani, maaaring subukan ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng Tamang Pataba Gumamit ng tamang pataba na naaayon sa bawat halaman, sukat at edad ng halamang tanim. Sa bawat linggong makalipas ang patabang dapat ibigay sa halaman ay mayroon iba't ibang sukat at klase ng pataba ang dapat nating ibigay sa halaman. Ito ay para maisaayos ang magadang katawan ng halaman upang makapagbigay ng magandang ani at kita. Maaring tingnan ang pahinang ito upang malaman mo kung paano ang tama at ilang bahagya ng abono ang dapat ilagay sa tanim.    2.Maayos na Irrigation Siguruhing maayos ang si...

Bughaw na Ibon

BY GRACE ANN BUELA | THE AUTHOR Isinulat ni Grace Ann Buela Isang bughaw na ibon Lumilipad kasabay ng pagpagaspas ng mga dahon Tila umaawit kasabay ng mga alon Sa gitna ng maganda at payapang panahon Kasabay ng takip-silim Kalangitan ay nagdilim Bumagyo at lumakas ang hangin Hanggang siya ay tangayin Isang ilog ang naghihintay Sa ibong bughaw na tila isang lantang gulay Bago pa man mahulog at masaktan Isang sanga ang nakapitan Buhay at ligtas Mula sa kahirapang dinanas Titila din ang ulan Ang tag-araw ay muling masisilayan Ang pagbangon ay masasaksihan Ang ibon, tulad ng alitaptap Muling lilipad sa alapaap Dala ang pag-asa at mga pangarap. Philippians 4:13 I can do all this through Him who strengthens me.

Free seeds and seedlings from Department of Agriculture (DA)

T he Department of Agriculture providing free seeds and seedlings for every Filipino to promote "grow your own foods" and "Urban Gardening" as a key to support in our daily needs amidst COVID-19 Crisis. We can help government and our family by planting veggies in our backyard. 🤔 For me, para lahat magkaroon ng seeds sa bawat tahanan. Why they can not try to add seeds in the "Relief pack" ? 🤔 What do you think mga Ka-Farmers? Contact BPI: bpi.crpsd.planning@gmail.com (02) 8525-7313/(02) 8524-0837 Bicol: DA-ATI, Diversion Road, San Agustin, Pili, Camarines Sur. Sources: ati.da.gov.ph / bpi.da.gov.ph

Makipot ang daan patungo sa kaharian ng Diyos

N aitanong mo ba sa iyong sarili kung lahat ng tao ay maliligtas? Lahat ba na gumagawa ng mabuti ay maliligtas? Ang mga katanungan ito ay hindi kayang sagutin nino man. Walang sino man sa atin ang nakakaalam sa mga maaring mangyari at sa darating. Kaya wala tayong karapatang humusga sa bawat isa at sa bawat mananampalataya. Ngunit ang Panginoong Hesus ay nagpaalala sa atin na makipot ang daan patungo sa kaharian ng Diyos. Ito ang sagot ng Panginoon sa nagtanong sa Kaniya ng ganito, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas? Sinabi Niya sa kanila, Lucas 13:24 “Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan.” Bakit makipot ang pintuan patungo sa Langit at maluwang naman ang papunta sa kapahamakan? ( Mateo 7:13-14 ) Sa panahon natin ngayon marami na ang lumalaganap na mga bagay na ginagamit ng diyablo bilang instrumento sa panunukso sa mga mahihina ang pananampalataya at sa mga walang pananampalataya sa Diyos. Ang mga ito ay ginagamit ng kaaway upang ilayo tayo sa gawaing mabuti. Ta...

Paano gumawa ng sariling Egg Incubator?

A ng egg incubator ay isang paraan sa pagpapapisa ng itlog gamit ang natural na init ng incandescent bulb. May mga iba’t ibang uri ng egg incubator. Mayroong gawa sa karton, styrofoam, plastic container, bakal, at flywoods. Sa article na ito ibabahagi ko sa inyo kung paano gumawa ng mini homemade egg incubator gamit ang styrofoam.  Sa paggawa ng egg incubator kailangan natin ng styrofoam, small monitoring glass (optional), small cup, sponge, water, amazon screen, wire, incandescent bulb, thermostat, at eggs. Ito ay ang pasunod-sunod kung paano gumawa ng egg incubator: 1. Gumawa ng tatlong maliliit na butas sa gilid ng Styrofoam. Dapat ito ay nasa gitna at maaring kasing laki lamang ng iyong hinliliit. Gumawa ulit ng isang malaking butas sa taas/takip ng Styrofoam. Ang malaking butas ay kailangan may takip. Ang mga butas na ito ay magsisilbing daanan ng hangin papasok at palabas ng incubator. Ang malaking butas ay may dalawang gamit; una, kapag mabilis tumaas ang temper...

Amazon Rainforest Fire : Naganap na ang sabi sa Biblia

CNN.com Photo credited A ng Amazon rainforest ay ang pinakamalaking rainforest sa buong mundo na nagbabahagi ng mahigit 20 percent of oxygen sa ating kapaligiran kaya nga tinatawag din itong Lungs of the Earth. Ito ay tinitirahan at pinamumugaran ng iba't ibang uri ng hayop. Mahigit siyam na bansa ang nagmamay-ari sa kalupaang nasasakupan ng Amazon rainforest. Kasama na rito ang brazil na mayroong pinakamalaking bahagi na umaabot sa 58.4%. Ang ibang walong bansa ay ang sumusunod: Peru, Bolivia, Colombia, Venezuela, Guyana, Suriname, French Guyana, and Ecuador. Source: wikipedia.org Itong nakaraang linggo lamang ay kumalat sa social media ang balitang nasusunog diumano ang Amazon rainforest. Dahil dito maraming netizens ang nababahala sa maaring masamang maidulot nito sa maraming buhay. Dahil sa pagkasunog maaari raw na magkaroon ng massive climate change due to possibility of increasing carbon in the earth's atmosphere. May mga haka-haka rin na baka ito na nga ang katupara...

Ano ba ang sabi ng Bibliya tungkol sa Divorce?

A ng kultura at paniniwala ng isang komunidad ang ating pinagbabasihan sa pagbuo ng isang panukalang batas. Ang batas na ito ay siyang magiging pundasyon, haligi at bigkis ng isang pamayanan ngunit kung ang isang batas ay labag sa ating kultura at paniniwala maaring maging sanhi ito ng isang panibagong suliranin sa ating bansa.  Ano nga ba ang sabi ng Bibliya tunkol sa Divorce?  Ito ang sagot ni Hesus sa tanong ng mga Pariseo. Marcos 10:2-9 “Naaayon po ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa ?” Sumagot siya , “Ano ba ang utos ni Moises sa inyo ?” Sumagot   naman sila , “ Ipinahintulot po ni Moises na ang lalaki ay gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ang kanyang asawa.” Ngunit sinabi ni Jesus, “Ginawa ni Moises ang utos na iyon dahil sa katigasan ng inyong ulo .  Subalit   simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan , nilalang na niya ang tao n...

Paano malalaman kung lalaki o babae ang kalapati?

A ng kalapati (Pigeon) ay isa sa pinakamagandang ibong pwede nating alagaan. Ginagamit natin ito bilang isang simbolismo sa pag-iisang dibdib, ginagawa nating Racing Pigeon, o kaya'y pet lamang. Mayroon itong iba't ibang kulay. Photo by Mali Maeder of Pexels Isa sa mga katanungang pumapasok sa isipan ng gustong mag-alaga nito ay kung "Paano malalaman kung ang kalapati ay lalaki o babae?" Paano nga ba? May dalawang paraan para malaman mo ang kasarian ng isang kalapati (Pigeon).   Ang paggalaw ng buntot ng kalapati Ito ang sabi ng isang beteranong pigeon breeder na si Leahrd Dadiz sa isang episode ng Tapatan ni Tunying hosted by Anthony Taberna, Kapag hinawakan mo ang kalapati at gumalaw paitaas ang buntot nito ito ay babae. Paano? Hawakan mo ang kalapati paharap sa iyo at antayin mong ito'y magstable ng saglit at pagkatapos gagalaw ang buntot nito paitaas. Samakatuwid, kapag hindi gumalaw  ito ay lalaki. Pinapakita ni Learhrd Dadiz kung ...

Vicarius Filii Dei the 666 : Ito ba ay nakaukit sa papal tiara?

M arami sa atin ang nagtatanong at naghahanap ng kasagutan kung sino ang tinutukoy sa Pahayag 13:18 ng Bibliya. Alam ko na isa ka rin sa naghahanap ng kasagutan dito. Maraming mga haka-haka at mga pagsasaliksik ang ginagawa ng mga theologian para mabigyang kasagutan kung sino ba talaga ang halimaw na tinutukoy dito.  Ganito ang nakasulat sa Revelation 13:18 " Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop. Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at animnapu't anim." Sino nga ba ang hindi mababahala dito. Ang kapalit ay buhay kapag Ikaw ay napasailalim sa halimaw na ito. May iba na nagsasabing Barcode raw ang tatak na gagamitin sa noo at kanang kamay ng tao na may nakatagong bilang na katumbas ng pangalan ng Halimaw (666). Mayroong na...

5 kahalagahan sa pagtatangkilik ng organikong pagtatanim at pag-aalaga ng hayop

A no ba ang kahalagahan sa pagtatangkilik natin sa mga organikong produkto o sa mga produktong tinanim at inaalagaan sa ating bakuran. Ang organikong pagkain ay ang tinatawag na free synthetic foods o ang mga pagkaing hindi ginamitan ng mga kemikal. Samakatuwid, ang organikong pagkain ay ligtas at walang ano mang pweding makapagdulot ng malalang karamdaman. Maraming mga tao ngayon ang tumatangkilik sa mga ganitong produkto sapagkat ito ay hindi nakapeperwesyo bagkus ay nakatutulong pa sa kanilang karamdaman. Ang sumusunod ay mga magagandang bagay na dapat nating malaman kung bakit kailangan nating tangkilikin ang mga organikong paraan ng pagtatanim at oganikong pag-aalaga ng hayop. Nakakasiguro ka na ito ay ligtas at walang ano mang halong synthetic chemicals. Sa bakuran natin, pwede tayong makapagtanim ng mga gulay at mag-alaga ng hayop sa organikong paraan. Siguro hindi naman na tayo mag-aaksaya pa ng pera para lamang sa ating pang-personal na pagkain. Hindi naman na natin kail...

Tamang sukat sa kulungan ng manok (broiler at layer)

I sa sa mga factors na nakatutulong sa maayos na paglaki ng manok ay ang tamang sukat ng kulungan. Sa mga nag-aalaga ng manok pansabong at native na manok kadalasang binabaliwala na natin ang sukat at laki ng kulungan. Pero sa mga nagbabalak tumayo ng sariling poultry farm, this is the best first thing to know. Why? Maximizing the space we have is the best for the business para hindi masayang yong investment natin sa lupa. Bakit nga ba natin kailangan malaman ang tamang sukat sa kulungan ng manok? Halimbawa na lamang kung ikaw ay nagpagawa ng isang poultry house, kung hindi mo ito alam pwede kang malugi. Kasi possible kung ang capacity pala ng building mo ay kaya ang 10,000 heads of broiler and then you just raise only 8,000 heads, sayang pa din ang 2,000 heads na dapat ay magiging kita mo na. Just wise thinker, that’s why I wanna share this thing to those who are willing to put up a poultry farm.  Ito ang tamang sukat, kailangan at least 0.75 sq. ft to 1 sq. ft ang sukat na pag...

Paano malalaman kung babae o lalaki ang papaya

A ng papaya (Carica papaya linn.) ay isang prutas na berde kung hilaw at dilaw naman kapag hinog. Ang laman nito ay kulay orange o kaya naman ay orange-red. Ito ay nabubuhay sa kahit anong uri ng lupa pero mas maganda kung ito ay nakatanim sa loam soil o kaya’y clay-loam soil na may maayos na patubig. Sa pagpatubo ng mga buto, ugaliing gumamit ng seed bed para masiguro kung ang papaya na itatanim mo sa iyong taniman ay namumunga o hindi. Ito ang palaging problema ng mga mahilig magtanim sa kanilang bakuran o sa kanilang bukid. Paano nga ba natin malalaman kung ang papaya ay namumunga o hindi? May dalawang uri tayo ng papaya, ito yong sinasabi natin na lalaki o hindi namumunga at babae naman ang papayang namumuga. Sa dalawang papaya seedlings alin sa kanila ang lalaki o babae? Mas mabuting malaman natin ang simpling kaalaman na ito upang mas mapabuti at mabawasan natin ang oras na masasayang natin sa pagtatanim ng papayang hindi naman pala namumunga ng mabuti o totally na hi...

Paano maiiwasan ang Tukso?

A ng tukso ay isa sa pangunahing paraan ng diyablo upang tayo ay agawin nito sa kabutihan at idala sa kasamaan. Ang tukso ay nasa paligid lamang. Kahit saan ka pumunta ang tukso ay laging nandiyan at inaakit kang gawing ang bagay na hindi makakabuti sayo. Ngunit paano ba natin maiiwasan ang mga ito? Bagaman hindi tayo perpekto kailangan pa rin nating sundin ang tama kaysa sa gawin ang masama. Ito ang mga dapat gawin upang maiwasan ang mga tukso. Alamin ang iyong tukso Ano ba ang tukso na ito? Sa palagay mo ba ang ginagawa mo ay tama o mali. Sa palagay mo ba ang mga bagay na ninanais mo ay hindi nararapat sa iyo. Kung ito man ay hindi nararapat at sa palagay mong ikaw ay magkakasala, ang bagay na ito malamang ay isang tukso. Huwag gawin ang isang bagay na maari kang matukso Ngayong alam mo na ang tukso sa buhay mo na maari kang magkasala at maaring labagin mo ang kagustuhan ng diyos huwag mo ng hayaang gawin mo pa ang bagay na ito. "Alam mo na ngang magkakasala ka ginawa ...

Ano nga ba ang mga nakatagong bilang sa Barcode?

A no nga ba ang mga  bilang na nakatago sa barcode? Sabi ng iba ang dulo, gitna at simula nito ay may nakatagong Bilang. Una, Ano ba ang barcode at gamit nito? A  UPC-A  barcode symbol (source:  en.wikipedia.org) Ang Barcode (bar code) ay mga patayong linya na may ibat ibang laki o kapal at distansya nito sa bawat isa na kumakatawan sa bawat bilang na may katumbas na "data". Ang Barcode ay naimbento nila Norman Joseph Woodland at Bernard Silver sa US noong 1952. Ang Barcode ay may kalakip na data kung anong produkto at ang katumbas na halaga nito. Sa pamamagitan ng pag-scan gamit ang barcode scanner dito malalaman ng carrier or receiver kung magkano ang halaga nito at kung ano mang data ang nakalakip nito.         Makikita natin ang mga barcode na ito sa mga produkto na ating ipinamimili sa market na kung saan gamit ang scanner ng cashier na mapabilis ang transaksyon ng bawat kostumer ng isang pamilihan. Kung kayo ay mapanuri kung ating ...

666 o 616 : Bilang ng Halimaw

A ng 666 (Six hundred sixty six) ay bilang na nakasulat sa aklat ng apocalipsis sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ito ang bilang ng halimaw na sinasabing pagkakakilanlan o katumbas nang isang pangalan ng lalaki. Sino mang tao ang matatakan ng kaniyang Pangalan o ng Bilang na ito ay siya lamang makabili o makapagbili nang ano man. Ito ang nakasulat sa Apocalipsis 13:16-18: "At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim ." Ang Bilang na 666 ( Anim na raan at anim na pu't anim) ay binunyag ng panginoon sa pamamagitan ni apostol Juan upan...

Isip at Talino

ISIP AT TALINO Written by: Michael Marcial I.  Ang talino ang kapangyarihan nang isang tao, Na ibinigay ng Diyos sa’tin ng buong-buo. Pahalagahan ito’t palaguin nang husto, ’Pagkat ito’y ating magagamit nang totoo. II. Huwag gamitin sayong sariling kapakanan, Pandaraya sa iba’t sa walang kabuluhan, Sapagkat hahantong ka sa isang kamatayan; Ang yong kaparusahan ay walang katapusan. III. Gamitin sa mabuti at sa may kabuluhan, Ito’y iyong sangalang sa kasinungalingan, Pandaraya ng iba at sa mga mapanlinlang. Hindi ka matutukso o magkamali man lang. IV. Ibukas ang iyong isip at ito’y masusumpungan, Ang mga bagay na dapat at ang katotohanan. Ang katotohanan na magpapalaya sayo, Sa kadilimang ito ng buhay mo sa mundo. V. Ang katotohanan ang magpapalaya sayo At magliligtas sayo sa apoy ng impyerno. Ipaglaban ang tama at magpakatotoo Sa pagpapalaganap ng katotohanang ito. VI. Langit at impyerno ang ating kahahantungan. Ang langit ang s'yang buhay na walang hanggan. Ang ...

The reality behind the images

Bakit hindi mo maunawaan at bakit hindi mo makita ang katotohanan? Why you cannot try to explore the bible? If you believe in God maniniwala ka rin sa mga salitang nakasulat sa bibliya. May mga taong naniniwala sa Diyos Ama na hindi naniniwala sa nakasulat sa Bibliya. Magiging matatag ka lang sa pananampalataya kapag naniniwala ka sa lahat ng nakasulat dito malibang inilimbag ito na may binago. May ibang tao na nagsasabing “ Oo, naniniwala ako pero hindi naman lahat ng nakasulat sa bibliya ay totoo”. Paano mo ngayon masasabing naniniwala ka kung sa salita Niya’y wala kang pananampalataya. Ang Totoong Kristiyano ay naniniwala sa Ama at Sa Panginoon. Kapag mahina ang pananampalataya mo mabilis kang malilinlang ng diyablo. Gusto mo ba na mapasali ka sa nalinlang ng diyablo? Huwag mong hayaan ito! Kapatid, alam ko nabasa mo ito hindi dahil napilitan ka lamang at hindi mo inakala, ito’y kalooban ng Diyos para malaman mo ang katotohanan. Naniniwala ka ba na dapat may larawan sa har...