DA, Binabantayan ang Epekto ng Tensyon sa Gitnang Silangan; Pondo para sa mga Magsasaka, Nakahanda Na
|
| Department of Agriculture | Binabantayan ang Epekto ng Tensyon sa Gitnang Silangan; Pondo para sa mga Magsasaka, Nakahanda Na |
Halagang ₱100-Milyon na fuel subsidy para sa magsasaka at mangingisda nakahanda na ayon sa Department of Agriculture.
Sa gitna ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan, kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na masusi nilang pinag-aaralan ang posibleng maging epekto nito sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.
Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa, hindi matatawaran ang pagkabahala ng ahensiya hinggil sa kung ano ang maaaring maging "long-term impact" ng kaguluhan. Bagama't malayo ang sentro ng giyera, ang pandaigdigang daloy ng kalakalan at presyo ng langis ay direktang nakakaapekto sa gastos sa produksyon ng mga lokal na magsasaka at mangingisda.
Sa kabila ng mga banta sa labas ng bansa, tiniyak ng DA na may nakahanda nang tulong para sa mga lokal na prodyuser. Ayon sa opisyal, ang kaukulang halaga ng pondo ay na-download na sa ahensiya.
Nakahanda na ang DA na ipamahagi ang nasabing pondo sa mga kwalipikadong benepisaryo. Layunin nitong magsilbing "buffer" o proteksyon ng mga magsasaka laban sa pabago-bagong presyo ng petrolyo at input sa pagsasaka.
Comments
Post a Comment
Leave your comment ...